VISITA IGLESIA KAMAY NI HESUS HEALING CHURCH
..
..
IKA APAT SA PITONG HULING WIKA
"Eli, Eli, lama sabach-thani?" ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" (Mateo 27:46b) [Sa Marcos 15:34 --- "Eloi, Eloi, lema sabachtani?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko! Bakit mo ano pinabayaan?"] [Ginamit ni Mateo ang "Eli, Eli" --- Hebreo. Ginamit ni Marcos ang "Eloi, Eloi" --- Aramaic.] "Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-ikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lama sabach-thani?" ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" (Mateo 27:46b) [Sa Marcos 15:34 --- "Eloi, Eloi, lema sabachtani?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko! Bakit mo ano pinabayaan?"] "Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon at sinabi nila, ‘Tinatawag niya si Elias.' Agad tumakbo ang isa sa kanila at kumuha ng espongha, tinigmak ng maasim na alak at ipinasipsip kay Jesus." (Mateo 27:47-48).
Nasa ika-apat na wika ang "pakikiisa ng nagkatawang taong Diyos" sa mga tao. ("Identification with men). Ito'y isang panaghoy ng paghihirap na makikita sa salmo ni David (Salmo 22:1a --- "Diyos ko! O Diyos ko! Bakit ako pinabayaan?). Ito'y isang katuparan ng isang kalagayan sa Lumang Tipan. Bilang isang Judio, alam ni Jesus iyon. At ngayon nakikita natin ang ibig sabihin. Isang panalanging tanong na nagmumula sa isang taong nasa masakit na kalagayan. Ito'y hindi tanong ng pagdududa; ito'y isang panaghoy na humihingi ng kapayapaan at katahimikan. Ito'y hindi naintindihan ng mga nakarining sa kanya. Hindi nila nakilala ang Diyos na nagkatawang tao, na ang kanyang panaghoy ay panaghoy ng sangkatauhan, isang panaghoy ng buong nilalang, isang panaghoy ng bawat taong nakakadama ng hungkag na kalagayan, maliban sa kalinga ng Diyos at pagpapahalaga ng isang Tagapagligtas. Kung nakiisa si Cristo sa sangkatauhan, hindi ba maaaring makiisa rin tayo kay Cristo? Ano nga ba ang kasagutan sa mga taong nakikilala sa ngalan ni Cristo --- ang mga Cristiano? Ito'y pakikiisa ni Cristo, hindi kapabayaan ng ating Diyos Amang sumasalangit.